Pag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang inihaing reklamo ng local na pamahalaan ng Maynila.
Ito ay may kaugnayan sa trip cutting ng mga pampasaherong jeep.
Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na maghahain sila ng suspension ng prangkisa ng mga jeep na biyaheng Baclaran-Divisoria.
Paliwanag ng alkalde – maraming pasaway na driver sa mga rutang ito.
Dagdag pa ni Mayor Isko – hindi lang ang mga jeepney driver sa nasabing ruta ang kanilang puntirya.
Kakanselahin nila ang prangkisa ng mga jeep na mahuhuling nagka-cutting trip.
Kaya nagbabala si LTFRB Chairperson Martin Delgra III na mahigpit na ipinagbabawal ang cutting trip sa lahat ng pampublikong sasakyan.
Sa oras na maaprubahan ang ihahaing reklamo ng Manila LGU, pansamantalang matitigil ang lahat ng biyahe ng mga jeep na may rutang Baclaran-Divisoria.