CVCHD, NAMAHAGI NG TULONG SA MGA NASALANTA NG BAGYO SA LAMBAK NG CAGAYAN

CAUAYAN CITY – Bilang tugon sa pananalanta ng Bagyong “Kristine”, nagpaabot ng tulong ang Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD) sa mga apektadong residente sa Lalawigan ng Isabela, Quirino, Batanes, Nueva Vizcaya, Cagayan at Lungsod ng Santiago.

Katuwang ng CVCHD Health Emergency Management Unit ang mga City at Provincial Health Offices maging ang Development Management Office sa isinagawang health consultaions sa mga evacuation centers sa buong Lambak ng Cagayan.

Bukod sa health consultations, namahagi rin ang kanilang ahensya ng hygiene kits, vitamins, at iba pang pangunahing pangangailanagn para sa sanitation.


Facebook Comments