CVMC, Bumili ng 60 Beds para sa mga COVID-19 Patients

22

Cauayan City, Isabela- Bumili na ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC) na pinakamalaking referral hospital sa rehiyon dos ng 60 na karagdagang hospital bed para sa COVID ward nito.

Ayon kay Dr. Glenn Matthew Baggao, medical center chief ng CVMC*, *tugon ito ng naturang ospital sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa rehiyon.


Bukod dito, dumating na rin ang siyam (9) na mechanical ventilators at 40 heavy duty cot beds para sa waiting area ng ospital na ibinigay ng DOH Central Office sa pamamagitan nina Undersecretary Leopoldo “Bong” Vega at Assistant Secretary Elmer Punzalan.

Nagpapasalamat naman si Baggao sa mga ahensiya ng pamahalaan at stakeholders na walang sawang tumutulong sa kanilang ospital.

Facebook Comments