CVMC Chief: Hindi Makontrol ang Biglang Pagtaas ng COVID-19 cases

Cauayan City, Isabela- Iginiit ni Medical Center Chief Dr. Glenn Mathew Baggao ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang sobrang pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 na nasa kanilang pangangalaga.

Ayon kay Dr. Baggao, sa nakalipas na dalawang linggo ay naramdaman naman ang pagbaba ng mga kasong naitala na pumalo sa 80 lamang subalit bigla umanong ikinagulat ang biglang pagtaas ng kaso kung saan pumalo sa 194 ang COVID patients.

Mula sa 194 na bilang, 146 ang confirmed cases mula sa Cagayan; 15 sa Isabela, 2 sa Kalinga at 1 sa Apayao.


Maliban dito, binabantayan naman ang 37 suspected COVID patients kung saan malaking bilang nito ay mula pa rin sa Cagayan;tig-isa naman sa Isabela, Kalinga, Apayao at ang kauna-unahang pasyente mula naman sa Batanes.

Aminado naman si Baggao na hindi makontrol ang biglaang pagtaas ng kaso ng mga tinamaan ng virus sa kabila ng 150-bed capacity lang ang inilaan ng ospital para sa mga COVID-19 patients.

Sa kasalukuyan, wala pa ang 1,000-bed capacity na unang inilaan ng pamahalaan para sa dagdag na kagamitan.

Siniguro naman ni Baggao na hindi sila nagpapabaya sa mga pasyente at katunayan aniya ay nagdagdag sila ng 50-bed capacity upang tugunan ang lumalalang sitwasyon ng mga pasyente.

Facebook Comments