CVRDRRM, NAKIISA SA TREE PLANTING ACTIVITY

Nagsagawa ng tree planting activity ang mga miyembro ng Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction and Management sa barangay Pigattan Alcala, Cagayan kahapon June 25,2022 bilang paggunita sa Arbor Day.

Sinabi ni CVRDRRMC chair at OCD Regional Director Leon Rafael na ang mga puno ay nagsisilbing panangga laban sa pagbaha at bagyo at may mahalagang papel ang mga ito lalo na sa mga mababang barangay.

Itinataguyod ito ni director Rafael para sa isang mayabong na ecosystem sa kanilang lugar.

Samantala, sinabi ni Alcala MENRO Benjamin R. Duruin Jr. na umabot sa 650 na mga puno ng Agoho ang itinanim sa barangay Piggatan Alcala, Cagayan.

TAGS; Arbor day, tree planting activity

Facebook Comments