CYBER CRIME | Ellen Adarna – Kinasuhan na ng ina ng Dalagitang inakusahan niyang paparazzi

Manila, Philippines – Kinasuhan na ni Myra Abo Santos ang sexy-actress na si Ellen Adarna na nag-akusang ‘paparazzi’ sa kanyang anak na si Eleila.

Kasong child abuse at cyber crime ang isinampa laban kay Adarna sa Office of the City Prosecutor sa Pasig.

Nauna nang sinabi ng ina ng 17-year old na dalagita na kakasuhan niya ang aktres kapag nabigo itong maglabas ng public apology dahil sa insidente.


Matatandaang nag-viral si Adarna kasunod ng instagram post niya kung saan inakusahan niya si Eleila na kinukunan siya ng video sa isang ramen resto sa Makati.

Itinanggi ito ng dalagita pero nanindigan si Adarna na tama ang hinala niya.

Facebook Comments