“Cyber-etiquette”, ipinaalala sa mga pulis

Nagpalala ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga tauhan kaugnay sa tamang “cyber etiquette” sa pag-po-post sa social media.
Ayon kay PNP Spokesperson Police General Bernard Banac, may umiiral na pulisiya ang PNP kaugnay sa tamang “decorum” na dapat gawin ng PNP personnel sa lahat ng kanilang public engagements kabilang ang kanilang aktibidad sa social media platforms, chatgroups at private sites.
Hinikayat rin ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa, ang lahat ng PNP personnel na gamitin ang social media para lumikha ng “pro-active information and awareness activities” at bumuo ng magandang relasyon sa komunidad partikular sa panahon ng pandemic.
Sinabi pa ni Gamboa, ngayong nahaharap sa krisis sa COVID-19 ang bansa, ang tamang paggamit ng mga pulis sa social media batay sa mga patakaran ng PNP ay makakatulong sa kampanya kontra sa sakit at maging sa Police operations.
Binigyan diin ng PNP Chief na ang anumang pahayag ng mga indibidwal na miyembro, grupo o assosasyon ng PNP na walang kinalaman sa mga aktibidad ng PNP ay hindi official statement at hindi otorisado ng PNP.

Facebook Comments