Manila, Philippines – Ipina-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang 46 na puganteng Chinese na naaresto kamakailan sa Makati City dahil sa cyber fraud.
Kasama ang Chinese police escorts, isinakay sa China Southern Airlines pabalik ng Shenyang, China ang mga pugante.
Sila ay kabilang sa 81 na dayuhan na inaresto ng fugitive search unit ng BI sa Burgundy tower sa Gil Puyat Ave., Makati dahil sa iligal na pag-o-operate ng online trading business.
Inilagay na ng Bureau of Immigration sa blacklist ang mga pinatapon na Chinese para matiyak na hindi na sila makakabalik ng Pilipinas.
Facebook Comments