Hindi lang ang Philippine Coast Guard ang nakararanas ng hirap sa komunikasyon sa tuwing magkakaroon ng misyon sa West Philippine Sea (WPS).
Sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, kinumpirma ni Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na 3 hanggang 4 na taon nang nararanasan ng Navy ang cyber interference sa WPS kapag mayroong resupply mission.
Aniya, hindi nila makumpirma kung galing ito sa China.
Hindi naman maituturing na nakakalaarma ang cyber interference dahil hindi ito nakakaparalisa ng operasyon ng mga barko pero nakaapekto naman ito sa komunikasyon sa mga barko.
Dagdag pa ni Trinidad na hindi lang mga barko ang inaabot ng cyber interefence kungdi maging ang mga land-based vehicle ng militar.
Facebook Comments