Manila, Philippines – Nakatakdang ihain sa DOJ ng kampo ng businessman Wilfredo Keng ang karagdagang mga ebidensya kaugnay ng kasong paglabag Sa Cybercrime Prevention Act of 2012 na nauna nitong isinampa laban sa mga opisyal ng online news site na Rappler.
Ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Edwin Dayog, ang chairman ng panel of prosecutors na nagsasagawa ng preliminary investigation ng naturang reklamo, bukas isusumite ng kampo ni Keng ang sinasabi nitong karagdagang mga ebidensya.
Lalo aniya nito na mapalakas ang reklamo laban sa Rappler.
Nag-ugat ang kaso ni Keng makaraang ilathala ng Rappler sa kanilang website noong Mayo 12, 2012 na ginagamit daw ni yumaong Chief Justice Renato Corona sa official at non-official functions ang Sports Utility Vehicle (SUV) na pag-aari ng negosyante ,na siya namang pinabulaanan ni Keng.