CYBER LIBEL CASE | Rappler CEO Maria Ressa, humarap sa NBI

Manila, Philippines – Dumating sa tanggapan ng NBI Cybercrime Division si Maria Ressa-ang CEO ng online news site na Rappler.

Ito ay para harapin ang Cyber Libel na isinampa ng Filipino-Chinese businessman na si Wilfredo Keng.

Kasama ni Ressa na nagtungo sa NBI ang kanilang abogado na si Atty. JJ Disini kung saan inilatag ng NBI ang detalye ng reklamo ni Keng noong October 2017.


Iginiit ni Ressa na ang naturang reklamo ni Keng ay bahagi ng aniya ay panggigipit sa kanila ng pamahalaan.

Nag-ugat ang reklamo laban kay Ressa at sa dating reporter ng Rappler na si Reynaldo Santos Jr. at negosyanteng si Benjamin Bitanga sa isang artikulo ng Rappler noong Mayo 2012 kung saan nakasaad dito na nagpahiram daw si Keng ng sport utility vehicle kay dating Chief Justice Renato Corona.

Ito ay sa harap ng mga pending na kaso sa lower court ng isa sa mga kumpanya ni Keng.

Facebook Comments