CYBER LIBEL CASE | Rappler CEO Ressa, binigyan ng 10 araw ng NBI para sagutin ang kaso laban sa kanya

Manila, Philippines – Binigyan ng National Bureau of Investigation ng 10 araw si Rappler CEO and Executive Editor Maria Ressa para sagutin ang Cyber Libel Complaint laban sa kaniya.

Si Ressa ay pinadalhan ng subpoena ng NBI Cybercrime Division kasama sina dating Rappler Researcher-Writer Reynaldo Santos Jr. At businessman na si Benjamin Bitanga.

Pero pareho namang hindi dumalo sa pagdinig sina Santos at Bitanga.


Sabi ni Ressa, hindi pa sila nabibigyan ng kopya ng reklamo nang matanggap nila ang subpeona.

Nag-ugat ang reklamo na isinampang reklamo ng negosyanteng si Wilfredo Keng, nang lumabas sa Rappler ang istorya na pinahihiram umano ni Keng ang kanyang SUV kay dating Chief Justice Renato Corona.

Naisapubliko ang artikulo noong may 2010, ilang buwan bago maisabatas ang Republic Act No. 10175 o Cybercrime Law noong Setyembre 2012.
Naniniwala naman si Ressa na may kinalaman ang pagsasampa sa kanya ng cyber libel complaint sa naging desisyon ng Securities and Exchange Commission na kanselahin ang license to operate ng Rappler.

Facebook Comments