Cyber libel complaints, patuloy ang pagtaas ayon sa NBI

Napansin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagtaas ng bilang ng cyber libel complaints sa nagdaang mga buwan.

Ayon kay NBI Cyber Crime Division Chief Vic Lorenzo, nakatanggap sila ng cyber libel complaints mula kay Vice President Leni Robredo, Senator Bong Go, Cavite 7th District Representative Crispin Remulla, Kabataan Party List Representative Sarah Elago at iba pang national at local government officials.

Sinabi ni Lorenzo na pinadalhan na nila ng subpoenas ang mga taong inirereklamo bilang bahagi ng due process at mabigyan ng pagkakataon ang inirereklamo na makapagpaliwanag.


Pagtitiyak ng NBI na iimbestigahan nila ang lahat ng natatanggap ng cyber libel complaints.

Nagpaalala rin sila sa publiko na bukas sila sa anumang reklamo kaugnay sa paglabag sa Republic Act 10175 o Cyber Crime Prevention Act of 2012, anuman ang estado sa buhay, maging ang political at organizational affiliation.

Facebook Comments