CYBER LIBEL | Ynez Veneracion, nagsampa ng reklamo sa NBI

Manila, Philippines – Naghain ng reklamong cyber libel ang aktres na si Ynez Veneracion laban sa Brunei-based businesswoman na si Kathy Dupaya.

Kasama sa inihaing reklamo ni Ynez ang lahat ng kopya ng mga mapanirang posts ni Kathy laban sa kanya sa facebook.

Nabatid na nag-ugat ang reklamo ni Ynez sa katakut-takot na pang-aalipusta at pananakot sa kanya ni Kathy sa social media matapos niyang isiniwalat ang daang libong kulang pa nito sa kanya mula sa naibigay niyang pera bilang investment sa negosyo ng negosyante.


Nabanggit ng aktres na kaya siya lumapit sa National Bureau of Investigation (NBI) upang tumigil na si Kathy sa paninira sa kanyan sa social media at maturuan ito ng leksyon.

Matatandaan na marami nang isinampang reklamo mula sa iba pang celebrity at mga negosyante ang natatanggap ni Dupaya dahil sa isyu sa pera.

Facebook Comments