CYBER LIBER COMPLAINT | Preliminary investigation ng DOJ laban sa Rappler, itutuloy ngayong araw

Manila, Philippines – Itutuloy ngayong araw ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong cyber liber laban kay Rappler Ceo and President Maria Ressa.

Kahapon ng panumpaan ni Ressa ang kanyang kontra salaysay dahil hindi siya makakadalo sa pagdinig ngayong araw.

Una nang inireklamo ng cyber liber si Ressa ng negosyanteng si Wilfredo Keng dahil sa artikulo ng Rappler noong May 29, 2012 at nai-repost noong February 19, 2014 kung saan pinagbintangan nito ang complainant na tunay na may-ari ng itim na Chevrolet suburban na ginagamit noon ni dating Chief Justice Renato Corona.


Inakusahan din sa artikulo si Keng ng pagkakasangkot sa iba’t-ibang mga krimen na mariin naman nitong itinanggi.

Paliwanag ng National Bureau of Investigation (NBI) na na maituturing na continuous crime ang ginawa ng Rappler dahil bagaman orihinal na nalathala ang artikulo noong 2012 at na-update noong 2014 ay patuloy pa rin itong nababasa sa website ng Rappler.

Facebook Comments