Cyber patrolling, mas paiigtingin ng PNP Anti Cyber Crime Group dahil sa mga online activities na may kinalaman sa terorismo

Paiigtingin pa ng PNP Anti Cyber Crime Group ang kanilang gagawing Cyber Patrolling  matapos ang mga On Line Activities na may kinalaman sa terorismo.

Ayon kay PNP ACG Director Brig. Gen. Dennis Agustin, pinakilos na nila ang kanilang mga Cyber Police para makakuha ng mga impormasyon at mapigilan ang anumang gawaing Ilegal.

Ito ay matapos makumpirma na ang may kontrol sa social Platform na “8Chan” or “Infinite Chan/Infinity Chan” NT Technology  na si Jim Watkins  ay posibleng nasa Pilipinas pa.


Ang “8Chan” ay ginamit na Platform para sa extremism, radicalism, at supremacism na nagresulta sa mass shooting sa El Paso, Texas noong August 4 , 2019 at ang naunang pamamaril sa isang mosque sa Christchurch, New Zealand.

Dagdag pa ni Agustin na ang cyber patrolling ay makatutulong sa pagpigil sa Violent Extremism at upang matukoy kung saan ang kinaroroonan ni Watkins na pinaghahanap ng mga awtoridad kasunod ng Mass Shooting sa El Paso, Texas.

Facebook Comments