Cyber-sex den, sinalakay ng mga awtoridad sa Malabon

83

Manila, Philippines – Sinalakay  ng mga tauhan ng Anti Cyber Crime Division ngPNP  ang isang Cyber Sex Den sa Blk. 40Lot 24 Phase 3 Brgy Longos Malabon City.
  Kinilala ang  mganaaresto na sina Marvin Acaba 37 anyos alyas Tanya operator ng Cyber Sex Den, kasintahang si Rene javier 21anyos  boyfriend ni Tanya at mga chattersna sina Edison Manoson alyas Kristine huli sa akto nakikipag chat na naka nighties lang at isang Peter Cruz 30anyos alyas  Channel.
  Ayon kay P/Supt Darwin Miranda team leader ng Anti CyberCrime Division ng PNP matagal nang nag oopperate ang naturang Cyber Sex Den.
  Bitbit ng mga awtoridad ang Search Warrant na inilabas ngkorte kayat sinalakay ang naturang Cyber Sex Den  dakong alas otso ng gabi. Kagabi kung saannakipag chat ang mga ito sa  mga dayuhangparokyano.
  Batay sa report na hawak ng PNP, nagdo droga pa umano angmga binabaeng chatters na nakikipag-usap sa mga dayuhan sa pamamagitan nginternet.
  May mga nakuha ding mga hubad na larawan ng mga babae salugar pero wala namang nakuhang ilegal na droga.

Facebook Comments