Cyber units ng PNP, tutulong na matiyak ang kaligtasan sa darating na Undas

Ayon sa Philippine National Police (PNP), gagamitin nito ang cyber units ng ahensya para palawigin ang seguridad sa Undas sa darating na Nobyembre 1 at 2.

Ang mga nasabing cyber units ay makikipagtulungan sa mga regional monitoring hubs para imonitor ang mga digital spaces kung saan ang maling impormasyon at mga scams ay madaling kumalat.

Ayon kay Acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez,inatasan na nya ang Anti-Cybercrime Group (ACG) para bantayan ang mga fake advisories, phishing messages, at online scams na nag-ooffer ng travel assistance o cemetery services sa publiko.

Sa ngayon, nasa 31 libong police personnel at 29 libo force multipliers ang idedeploy sa mahigit 5 libong sementeryo, memorial parks, at columbarium sa bansa.

Samantala, nakahanda na rin ang mga patrol assistance desk at traffic management units na eestasyon sa mga sementaryo, terminal ng bus, daungan at paliparan.

Facebook Comments