Cyberattack sa ICC, isang kaso ng espionage na layong harangin ang kanilang worldwide war crimes investigation ayon sa The Hague

Inihayag ng International Criminal Court (ICC) na ang naranasang nilang cyberattack nitong Setyembre ay isang kaso ng espionage o paniniktik.

Batay sa inilabas na pahayag ng ICC, layong ng pag-atake na harangin ang mandato ng criminal court na imbestigahan ang war crimes worldwide.

Hindi pa naman batid ng “The Hague” ang mga nasa likod ng cyberattack at hindi pa rin nila malaman kung may mga sensetibong impormasyon na nanakaw.


Hawak kasi ngayon ng ICC ang ilang sensitive records na may kaugnayan sa war crimes investigation tulad ng mga dokumento, mga larawan at testimonya ng mga testigo na maaaring magdulot ng kapahamakan sa kanila kung malalantad ang kanilang mga pagkakakilanlan.

Nabatid na nasa labing pitong kaso ng war crimes ang ini-imbestigahan ngayon ng ICC kabilang na ang Ukraine, Uganda, Venezuela, Afghanistan, usapin sa Palestinian territories at ang kaso ng war on drugs sa Pilipinas.

Facebook Comments