Cyberattack sa mga website ng gobyerno, napigilan ayon sa DICT; banta sa seguridad ng bansa, pinawi

Kasabay ng pagpawi sa pangamba ng publiko, tiniyak ngayon ng Department of Information and Communications Technology na ligtas ang seguridad ng Pilipinas mula sa cyberattack.

Kasunod na rin ito ng nangyaring pag-atake sa mga website ng gobyerno nitong mga nakaraang araw na gawa umano ng mga Chinese hacker.

Ayon kay DICT Undersecretary for Infostructure Management, Cybersecurity and Upskilling Jeffrey Ian Dy, base sa kaniyang pagkikipagpulong sa mga concern agency, walang dapat ipangamba ang publiko dahil matagumpay na napigilan ng security agencies ang pag-hack sa mga website at email address ng gobyerno ng mga cybercriminals.


Kabilang sa mga tinangkang atakehin ang mga website ng Cabinet Secrertary, Philippine Coast Gaurd, DICT, Kamara, Department of Justice, National Coast Watch System, at Overseas Workers Welfare Administration.

Nabatid na tinangkang pabagsakin ang website ng mga hacker.

Kasabay nito, nilinaw ni dy na bagama’t natukoy ang IP address ng hacker sa “China Unicom” na isang Chinese state-owned telecommunication company ay hindi naman ibig sabihin nito na ang Chinese government na ang nasa likod ng hacking incidents.

Facebook Comments