Cybercrime cases, bumaba nitong buwan ng Marso

Bumaba ng 40.79% ang naitalang cybercrime cases ng Philippine National Police (PNP) sa pagtatapos ng buwan ng Marso, 2024.

Ayon kay PNP Anti-Cybercrime Group Director PMGen. Sidney Hernia, nakapagtala sila ng 225 cybercrime cases kumpara sa 380 cases noong ikatlong linggo ng Marso.

Kabilang sa top 5 cybercrime cases ay online scams, illegal access, identity theft, online label at online threats.


Ani Hernia, pagbaba ng cybercrime cases ay bunsod ng proactive response ng publiko, public awareness at mas pinaigting na cyberpatrolling ng pulisya.

Facebook Comments