Cybercrime expert Ronald Aguto Jr., suportado ang tambalang Lacson-Sotto

58

Nanumpa na bilang bagong miyembro ng Partido Reporma ang dating pinuno ng Cybercrime Division of the National Bureau of Investigation (NBI) na si Ronald Aguto Jr.

Si Aguto Jr., ay tatakbo bilang kongresista ng lone district ng Batanes sa Eleksyon 2022 sa ilalim ng tambalan nina Partido Reporma Chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Ayon kay Aguto, suportado niya ang adbokasiya at reporma sa good governance ng dalawang batikang mambabatas.


Inaaasahan din na magkakaroon ng palitan ng ideya sina Aguto at senatorial candidate Raffy Tulfo tungkol sa pagtugon sa mga cybercrime sa bansa.

Facebook Comments