Cybercrime Investigation and Coordinating Center at Games and Amusements Board, magtutulungan sa pinaigting na kampanya laban sa online illegal gambling

Tiniyak ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na palalakasin pa nila ang kooperasyon nito sa Games and Amusements Board (GAB) para sa kampanya kontra online illegal gambling at unauthorized sports streaming.

Una rito, lumagda ang dalawang ahenisya ng kasunduan na layong paigtingin ang hakbang laban sa mga sugal online.

Sinabi ni CICC Acting Executive Director Usec. Renato Paraiso, malaking hakbang ito para maprotektahan ang publiko at ang larangan ng sports laban sa mga cyber-enabled gambling threats.

Aniya, tutulong ang CICC sa GAB sa pagtukoy at pag-block ng mga illegal online bookie joints at iba pang bawal na gambling operations sa professional sports at amusement games.

Kasama pa rito ang pagbibigay ng CICC ng technical assistance sa digital surveillance, forensic analysis at case build-up laban sa mga taong sangkot sa illegal gambling o streaming.

Facebook Comments