Cybercrime, pinag-aaralan nang isama ng PNP bilang index crime

Kinokonsidera ng Philippine National Police (PNP) na isama bilang index crime ang cybercrime.

Kasunod ito ng mahigit 150 porsyentong pagtaas ng cybercrime cases sa unang bahagi ng taon kumpara noong nakalipas na taon.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, bumuo na ang PNP ng technical working group para pag-aralan ang naturang hakbang.


Sa kasalukuyan, walong focus crimes ang itinuturing na index crime o batayan ng sitwasyon ng krimen sa bansa.

Kabilang dito ang theft, rape, physical injury, murder, carnapping ng motorsiklo, carnapping ng motor vehicle, robbery at homicide.

Facebook Comments