Nakapagtala ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ng 21.84% na pagtaas ng cybercrime cases sa bansa sa unang quarter ng taon kumpara sa kaparehong panahon nuong nakalipas na taon.
Sa datos ng PNP-ACG, ang online selling scams, credit card fraud at investment scams ang nangunguna sa kanilang talaan.
Kasunod nito, sinabi ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na pinaigting na ng Pambansang Pulisya ang kampanya laban sa cybercrimes at maglalaan ng mas maraming resources upang mas mapalakas ang kanilang kakayahan sa paglaban sa lumalaking banta ng mga cyber-related offenses.
Ayon kay Marbil, kanyang pinatututukan sa mga cyber cops ang mga kaso ng internet crimes.
Hinihikayat din nito ang publiko na agad tumawag sa PNP kung nabiktima ng mga kawatan o mayruong concerns sa PNP Hotline: 117 or 911, Anti-Cybercrime Group: (02) 414-1560 at PNP Internal Affairs Service: (02) 723-0401 to 20.
Samantala, magtutuloy-tuloy rin aniya ang awareness campaign ng pulisya upang maipabatid sa publiko ang mga modus ng sindikato para hindi sila mabiktima ng mga ito.