CYBERSECURITY AWARENESS PARA SA MGA ESTUDYANTE SA BAYAN NG SAN FABIAN, ISINAGAWA NG DICT PANGASINAN

Matagumpay na isinagawa ng Department of Information and Communications Technology – Pangasinan ang isang seminar patungkol sa makabagong teknolohiya na ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Layunin ng seminar na ito para sa mga estudyante ay upang turuan at upang palakasin ang mga ito na pangalagaan ang kanilang mga digital na buhay at mag-navigate sa online na mundo.
Ang naturang seminar ay inisyatiba ng DICT- Pangasinan katuwang ang LGU San Fabian, San Fabian Tech42Ed Center at ng school beneficiaries na San Fabian National High School, Mabilao National High School, at Archdiocesan School of San Fabian kung saan dinaluhan ito ng daan-daang estudyante.

Sa seminar na ito ay ibinahagi rin ang kahandaan dahil sa panahon ngayon, talamak na ang mga krimeng nagaganap sa social media kaya’t pinaalalahanan ang mga ito na gamitin ng maayos ang kanilang mga makabagong device dahil kung hindi nila nagamit ito ng maayos, may posibilidad na maging biktima ng iba’t ibat krimen online gaya na lamang ng scam at marami pang iba.
Kailangan anilang magtulungan upang lumikha ng isang ligtas na kapaligiran sa pamamagitan ng pagpapakalat ng balita tungkol sa mga panganib sa cyber security, pagbabahagi ng pinakamahuhusay na gawain, at pag-uulat ng tama. |ifmnews
Facebook Comments