Cybersecurity group, nababahala sa online filing process ng MMDA sa NCAP

Nababahala ang cybersecurity advocacy group na Scam Watch Pilipinas sa mga potensyal na panganib sa online process ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA para sa mga paglabag sa trapiko sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy o NCAP.

Ayon sa Scam Watch Pilipinas, ang kasalukuyang digital setup ng MMDA sa pamamagitan QR codes at pinaikling website link bilang mga channel para sa pag-access sa online platform ay maaaring malagay ang mga motorista sa potential risk dahil pwedeng magamit ang mga impormasyon nito sa phishing scams sa mga mapanlinlang na website na kumukuha ng personal na data o nag-i-install ng malisyosong software.

Nagrekomenda ang grupo ng ilang pangunahing aksyon sa MMDA, ang una ay dapat ilathala ang buong URL o web address sa publiko, kaysa sa paggamit ng QR code at mga pinaikling link, ikalawa ay isama ang proseso ng pagsa-submit ng apela sa eGov PH Super App sa pamamagitan ng eReport system nito.

Ang huli ay maglunsad ng information drive ang MMDA sa publiko upang maiwasan ang mga scam at mabawasan ang panganib ng mga banta sa cyberspace at ma protektahan ang publiko laban sa mga online scam.

Facebook Comments