Cybersecurity Intel Platform para maprotektahan ang mga critical information ng Pilipinas, Epektibo na sa Hulyo

Gagamitin na Hulyo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang Cybersecurity Intel Platform para hindi manakawan ng critical information ang Pilipinas.

Layunin nitong magtulungan ang kagawaran at ang International Technology Company na CISCO para palakasin ang cybersecurity sa bansa.

Sa ilalim nito, magpapalitan ng impormasyon o security intelligence ang DICT at CISCO para mas maprotektahan ang imprastruktura ng komunikasyon at impormasyon ng gobyerno laban sa mga banta.


Magsasagawa rin ng mga pagsasanay ang dalawang ahensya para paigtingin pa ang cybersecurity.

Maliban rito, prayoridad ng DICT ang pagpapalakas sa cybersecurity ng bansa sa gitna ng digital transformation ng gobyerno at ng pangunahing industriya, gaya ng mga bangko.

Ayon kay DICT Acting Secretary Eliseo Rio Jr., maliban sa paggamit ng naayong teknolohiya, kabilang rin sa hakbang na ito ang pagbuo ng  local talent pool sa sektor na ito.

Matatandaang mayo 2017 nang ilunsad ng DICT ang National Cybersecurity Plan 2022.

Facebook Comments