Tiniyak ng bagong appoint na commander ng Presidential Security Group (PSG) na si Brigadier General Jesus Nelson Morales, na palalakasin niya ang cyber security ng palasyo ng Malacañang.
Ito ay para maproteksiyunan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang first family.
Sa harap na rin ito ng naranasang magkakasunod na cyberattacks sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, na ang pinakahuli ay ang House of representatives.
Inihayag ni Morales sa kanyang speech kahapon sa change of command ceremony, na ngayong nasa digital age na napaka-importante ng papel ng technology sa security.
Kaya ayon sa opisyal, paiigitingin nya ang technology integration sa training systems ng PSG.
Palalawakin niya rin ang awareness at proficiency patungkol sa cyberspace.
Facebook Comments