Cycling event para sa mga kabataan sa Montalban, Rizal, idinaos

Umarangkada kahapon ang “Padyak Montalban”, isang cycling event para sa mga kabataan sa Montalban, Rizal.

Kasama ang mga rider at college student mula sa University of Rizal, pinangunahan nina Rizal 2nd District Representative Fidel Nograles at ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera ang event mula sa Wawa Dam na nagtapos sa University of Rizal Montalban campus.

Sa nasabing event, isinulong ng mambabatas ang libreng edukasyon sa probinsya sa CHED.


Tinitignan din nito ang posibilidad na iorganisa ang mga bikers bilang isang youth volunteer group na makikilahok sa iba’t ibang aktibidad tulad ng reforestation efforts sa watersheds ng Rizal.

Facebook Comments