Cyclist kinaladkad ng Truck sa Simuay Area, Patay!

Isang Mountain Bike Rider o cyclist ang namatay matapos makaladkad ng
forward truck kahapon ng hapon sa Crossing Simuay Sultan Kudarat
Maguindanao.

Kinilala ang nasabing biker na si Joselito Diwan, 46 anyos, welder at
isang member ng Cotabato Off Road Enthusiast o CORE,

Ayon sa rimpormasyon na nakalap ng DXMY , pauwi na ang grupo ng mga
cyclists galing Pigcawayan North Cotabato , pag sapit ng mga ito sa
Lamsan Area Simuay SK bigla syang nabundol at nakaladkad ng Truck.


Naisugod pa ang nasabing rider sa ospital ngunit nilagotan din ng buhay
pagsapit ng gabi.

Si Joslito Diwan op mas kilala sa kanyang grupo na kuya lito , isa rin
sya sa haligi ng kanilang samahan.

Ikinalungkot naman ng mga bikers sa Cotabato City ang di inaasahang
pagpanaw ni Diwan. ( Alvin Castillon/ Mubarak Lauban)

FB Pic

Facebook Comments