Czech Republic, may nakalaang 10,300 visas para sa Filipino workers

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na may kabuuang 10,300 visas na nakalaan ang Czech Republic para sa Filipino workers.

Ayon sa DMW, mismong ang Ministry of Labour and Social Affairs (MOLSA) ng Czech Republic ang nag-allocate ng naturang visa para sa mga manggagawang Pilipino.

Napagkasunduan din ng DMW at ng nasabing bansa ang proteksyon sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na ide-deploy at naka-deploy na sa Czech Republic.

Natalakay din ng dalawang bansa ang proteksyon sa Filipino workers sa sobra-sobrang paniningil sa placement fees.

Naplantsa rin ng DMW at ng nasabing bansa ang mga problema sa contract terminations at sa worker mobility sa loob ng European Union.

Facebook Comments