D.A may aksyon na para mapababa ang presyo ng galunggong sa merkado

Gumagawa na ng paraan ang Department of Agriculture (DA) para mapababa ang presyo ng isda sa mercado.

Ngayon kasi nasa 280 hanggang sa 300 pesos ang kada kilo ng galunggong habang yung ibang maliliit na isda ay nagtaasan na rin ang presyo.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nakatakdang mag-aangat ang bansa ng 100 metro toneladang galunggong habang sa ngayon 45 metro tonelada na ang naaprubahan.


Sinabi ni Dar na ang nagdaang bagyong Tisoy na nanalasa sa Bicol Region Southern Tagalog ang dahil ng paggalaw ng mga presyo.

Samantala, kung nabibigatan sa presyo ng isda ay maari naman aniya lumipat sa karne dahil maganda pa rin sa ngayon ang presyo ng baboy.

Facebook Comments