DA, aapela sa Kongreso na taasan ang budget para sa ahensya

Manila, Philippines – Aapela ang Department of Agriculture (DA) sa Kongreso na taasan sa P220 billion ang kanilang 2018 budget matapos silang makakuha ng commitment mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, unang hiningi ng DA ang P220 billion para sa susunod na taon na pondo pero tinapyasan ito ng hanggang P60 billion, kumpara sa P54 billion ngayong taon.

Una nang ipinagpaliban ng House of Representatives ang pagdinig sa panukalang P60-billion budget dahil kanakailangan ng higher appropriation.


Giit pa ng DA, ang naturang halaga ng budget ay ilalaan sa easy-access financing para sa mga magsasaka at mangingisda.

Facebook Comments