Hindi pa umano naibibigay ng Department of Agriculture (DA) ang gasoline subsidy na naipangako nito sa mga mangingisda.
Ito’y sa kabila ng naunang pahayag ng DA na kasado na ang pamamahagi ng naturang ayuda.
Ayon kay DA Undersecretary Fermin Adriano, patuloy pa rin nilang kinukumbinsi ang Department of Energy (DOE) na payagan ang pagkakaloob ng fuel subsidy sa mga mangingisda.
Aniya, hanggang sa ngayon ay wala pang tugon ang DOE sa pakiusap ng DA para sa pagkakaloob ng fuel subsidy
Magiging malaking kaluwagan ito sa mga mangingisda dahil sa kasalukuyan, 60 percent ng gastusin ng mga ito ay napupunta sa petrolyo.
Umaasa naman ang DA na papayag ang DOE upang makatulong sa mga mangingisda ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.