DA, aminadong magtatagal pa hanggang 2nd quarter ng 2021 ang kakulangan ng supply ng karneng baboy

Aminado ang Department of Agriculture (DA) na magtatagal pa hanggang 2nd quarter ng 2021 ang nararanasang kakapusan ng suplay ng karne ng baboy.

Sa virtual presser sa DA, sinabi ni Undersecretary William Medrano na malaki pa rin ang deficit sa suplay dahil sa pagsalanta ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Medrano, nakadepende sa bilis ng repopulation program ang muling pagmura ng presyo ng pork products sa merkado.


Aniya, sa ilalim ng Bayanihan stimulus package, may inilaang ₱110 million para sa pagpaparami ng hog supply.

₱15 million dito ay para suportahan ang isang nucleus breeder farm at ₱95 million naman para sa 15 multiplier breeder farm.

Kabilang sa interbensyon ay ang pamamahagi ng breeder o palahiang baboy, improvement ng facilities, feeds,biologics at sa trainings.

Sa ngayon ay naglatag ng mga estratehiya ang DA para makamit ang potential production.

Kabilang dito ang intensified surveillance, pag-geo-tagged ng mga alagaing hayop at sa meat movements.

Facebook Comments