DA, aminadong malaking hamon bago maibaba sa ₱20 per kilo ang bigas na target ng susunod na administrasyon

Gagawin ang lahat ng Department of Agriculture (DA) upang maibaba sa ₱20 ang kada kilo ng bigas.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DA Secretary William Dar na bagama’t ito ay malaking hamon para sa ahensya ay pipilitin naman nila itong makamit.

Ayon kay Dar, kinakailangang gumawa ng kongkretong plano o hakbang ang pamahalaan upang ito ay maisakatuparan.


Ani Dar, dapat maitaas ang local rice production, ibaba ang cost of productions at mag invest sa mga makabagong teknolohiya at mga kagamitan.

Kasunod nito, sinabi ng kalihim na nasa 92% rice sufficient na ang bansa.

Matatandaang isa sa mga target ng susunod na administrasyong Marcos na ibaba sa ₱20 ang kada kilo ng bigas upang maraming Pilipino ang makakain at maibsan ang kanilang gutom.

Facebook Comments