DA, aminadong mas kailangan pang palakasin ang pagpapababa sa presyo ng bigas kasunod ng SWS survey na tumaas pa ang bilang ng nagugutom

Itinuturing ng Department of Agriculture (DA) na malaking hamon ang resulta ng pinaka-huling survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan tumaas sa 20% noong Abril ang pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom.

Sagot din ito ng DA sa idinaraing ng grupong Gabriela na marami pa rin ang naguguton kahit mayroon nang P20 kada kilo ng bigas.

Ayon kay DA Spokesperson at Asec. Arnel de Mesa, mas pagbubutihin nila ang pagpalawak pa ng kanilang mga programa upang mas maraming matulungan at matugunan ang kagutuman.

Umaasa ang DA na sa susunod na survey ay lalabas na nabawasan na ang kahirapan o kagutuman.

Tanggap din ni de Mesa na hindi maiiwasan ang mga kritisismo sa P20 na bigas

Pero di raw ito dapat tanggalin dahil kung titingnan ang programa, ang mga pangunahing benepisyaryo ay mga “vulnerable” kasama ang mga mahihirap, senior citizens, mga person with disabilities o PWDs, at solo parents.

Facebook Comments