Aminado si Agriculture Secretary Francisco Laurel Jr. na bumaba ang produksyon at ani nitong ikatlong bahagi ng taon dahil sa masamang panahon at sa epekto ng African Swine Fever (ASF).
Una nang lumitaw sa mga datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ng 3.7 percent year-on-year o ng P397.43 billion ang produksyon habang dumapa rin ang fisheries subsector na nagresulta sa 5.5 percent year-on-year sa P55.48 billion sa third quarter.
Ani Laurel, nagpapatupad na sila ng mga pagbabago sa rice cropping calendar at gumagawa ng mga imprastruktura tulad ng water impounding dams upang mabawasan ang epekto ng climate change sa sektor ng pagsasaka.
Dagdag ng kalihim, may ilang magandang nangyari rin sa third quarter, kabilang na dito ang 1.3 percent na pagtaas sa halaga ng produksiyon ng mais at 5.8 percent na pagtaas sa poultry output.
Bukod dito ay isinasagawa na ang bakunahan laban sa ASF.