Magkatuwang na itatayo ng Department of Agriculture (DA) at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang “agri-industrial business corridor” sa New Clark City sa Tarlac, na kauna-unahan sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, malaki ang potensyal na lalago ang ekonomiya sa New Clark City sa ilalim ng ‘new normal’ dahil sa malawak na agricultural resources at strategic location.
May access kasi ito sa mga pamilihan sa Northern at Southern Luzon, kabilang ang Metro Manila.
Ang pagtatayo ng ABCs sa strategic areas ay makatutulong din para tugunan ang employment challenges sa “new normal”.
Ininspeksyon na ng DA at BCDA ang 30 hectares site sa New Clark City, kung saan itatayo ang modern agribusiness at multi-purpose facilities kabilang ang National Seed Technology Park.
Kampante rin si BCDA President at CEO Vince Dizon na makakalikha ng maraming trabaho ang proyekto at mapalawak ang development ng Tarlac at mga kalapit lalawigan.