Sermon ang inabot ng Department of Agriculture (DA) at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagdinig ng Committee on Agriculture and Food dahil sa desisyong umangkat ng 60,000 tonelada ng isda sa unang quarter ng kasalukuyang taon.
Sa pagdinig ay sinita ni Senator Imee Marcos ang DA dahil hindi pinakinggan ang rekomendasyon ng National Fisheries and Aquatic Resources Management Council o NFARMC na huwag mag-import ng isda dahil sapat pa ang supply nito sa bansa.
Pinagsabihan naman ni Committee Chairperson Senator Cynthia Villar ang BFAR dahil sa halip na bigyan ng bangka at tulungan ang mga mangingisda na naapektuhan ng Bagyong Odette ay imortasyon agad ang solusyon nito.
Lalo pang ikinabwisit ni Villar ang hindi pagharap ni DA Secretary William Dar na nasa Dubai para dumalo sa isang trade fair.
Paliwanag naman ni BFAR Director Eduardo Gongona, kailangang mag-import base sa datos ng Philippine Statistics Authority.