DA at BOC, nakakumpiska ng aabot sa ₱650-M na halaga ng smuggled na imported na agricultural products mula April 2021 hanggang February 2022

Aabot sa ₱650 million na halaga ng smuggled na imported na farm at fishery products ang nasabat ng Department of Agriculture (DA), Bureau of Customs (BOC) at Department of Trade and Industry (DTI) simula April 2021 hanggang February 2022.

Kasunod ito ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan sa tinatawag na border protection at smuggling partikular sa mga produktong pang-agrikultura.

Ayon kay Agriculture Secretary Wiliam Dar, iligal ang pagkakapasok ng mga nakumpiskang imported na produkto kung saan karamihan sa mga ito ay misdeclared o overvalued.


Kabilang sa mga kinumpiska ay:

• ₱121.3-M na halaga ng undervalued na imported rice na nasabat sa Cebu, Cagayan de Oro at Iloilo.

• ₱101.5-M na halaga ng red onions, na nasabat sa Subic.

• ₱100-M na halaga ng ASF-infected meat at assorted agri-fishery na nasabat sa Navotas.

• ₱46-M na smuggled agri-fishery, frozen meat, at mga produkto nito na galing products from China.

• ₱42-M na misdeclared fishery products galing ng Vietnam.

• ₱10-M na smuggled fresh vegetables na nasabat sa Manila Int’l. Container Terminal.

Facebook Comments