Nagkasundo ngayon ang Department of Agriculture (DA) at Department of Migrant Workers (DMW) na magtutulungan upang maalalayan ang milyun-milyong Overseas Filipino Worker (OFW) na gustong mamuhunan sa mga negosyong pang-agrikultura.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ilang mga programa ng ahensya ay ang pagbibigay ng technical assistance, agri-loan at credit services, agribusiness trainings at iba pa.
Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ay nasa ibang bansa at nagtatrabaho bilang OFW.
Bagama’t malaki ang kanilang naitutulong sa ekonomiya, marami sa kanila ang naghahangad na makabalik sa Pilipinas at makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.
Umaasa si Secretary Laurel na mas maraming OFW ang makahahanap ng magandang oportunidad sa bansa, lalo na sa larangan ng agrikultura.