DA at DOLE, lumagda ng kasunduan upang palakasin pa ang Kadiwa ng Pangulo

Lumagda ng memorandum of understanding ang Department of Agriculture (DA) at Department of Labor and Employment (DOLE) upang palakasin ang Kadiwa ng Pangulo.

Pinangunahan nina Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. at Labor Sec. Bienvenido Laguesma ang pagpirma ng MOU.

Sinabi ni Laurel na magbibigay ang DOLE ng manpower para naman mapalawak pa o maparami ang kadiwa centers kung saan mas darami ang job opportunities.


Inihayag ng Kalihim na 1500 kadiwa centers ang target nilang mapatayo sa buong bansa kaya’t malaking tulong sa planong ito ang mga hakbang na gagawin ng DOLE.

Sinabi ni Secretary Laguesma na magbibigay rin sila ng technical assistance sa mga magsasaka at mangingisda, at bibigyan sila ng pagkakataon na makapasok sa Kadiwa ng Pangulo kung saan nabibili ang mga murang pagkain.

Facebook Comments