
Iikutin ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) ang ilang pamilihan sa Metro Manila, partikular na sa Alabang Central Market sa Muntinlupa City ngayong umaga.
Pangungunahan ito nina DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. at DTI Secretary Ma. Cristina A. Roque, kasama pa ang ilang kinatawan ng ahensiya.
Ito’y upang malaman kung sumusunod ba ang mga tindera sa tamang presyo ng kanilang itinitinda at walang nagaganap na pagtaas sa presyo na hindi angkop sa inilalabas nilang dapat lamang na presyo ng bawat produkto.
Layon ng special market monitoring na matiyak na may sapat at murang pagkain at pangangailangan na mabibili ng consumers.
Facebook Comments









