DA at egg industry, nagpulong para talakayin ang tumataas na presyo ng itlog

Nakipagpulong na ang Department of Agriculture (DA) sa egg industry sa bansa para pag-usapan ang mga maaaring gawing hakbang para tugunan ang pagtaas ng presyo ng itlog.

Mismong si Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban ang nagpatawag sa mga stakeholders ng Egg Industry na nanggaling sa CALABARZON.

Nagkasundo ang DA at ang mga supplier ng itlog na kapwa magtutulungan sa trabaho para resolbahin ang mga isyu na kinakaharap ng mga ito.


Sa susunod na linggo, inaasahang ilalabas na ng DA ang mga napag-usapan na rekomendasyon upang tulungan ang egg industry na gabayan sila sa pagpaparami ng itlog.

Ilan sa mga inihain nila na pangunahing problema ay ang mataas na presyo ng feeds, nakahahawang sakit tulad ng birds flu at iba pa.

Kasama ni Panganiban si Assistant Secretary for Operations Arnel De Mesa at DA-Bureau of Animal Industry Director Paul Limson.

Dumalo rin sa pagpupulong sina AGAP Party-list Representative Nicanor Briones at kinatawan ng Batangas Egg Producers Cooperative, Minalin Poultry and Livestock Cooperative, Philippine Association of Breeder Layers, Inc., Philippine Egg Board at ang Egg Council of the Philippines.

Facebook Comments