DA at iba pang kaukulang ahensya ng gobyerno, nanatiling bigo sa paglalatag ng solusyon sa mataas na presyo ng bigas

Sinabon ni Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin sa pagdinig ng House Supercommittee ang Department of Agriculture (DA) at iba pang kaukulang ahensya ng gobyerno dahil sa kabiguan pa rin na mapababa ang presyo ng bigas at iba pang produktong agrikultura.

Sa pagdinig ng Quinta Committee iginiit ni Garin na paulit-ulit na ang ang sinasabi ng mga opisyal ng DA at iba ahensya pero wala pa ring epektibong solusyon sa mataas na presyo ng bigas, pagkain at kasama na rin ang kuryente.

Sabi ni Garin, makabubuting gamitin ng Kamara ang oversight power nito para panagutin ang mga opisyal at kawani ng gobyerno na responsable sa pagpapahirap sa buhay ng mga Filipino.


Binatikos din ni Garin at ipinunto kung saang planeta galing ang ₱58 na maximum suggested retail price (MSRP) para sa imported na bigas.

Katwiran ni Garin, paano mapapababa ang presyo ng bigas kung mismong DA ang nagpapako nito sa mataas na halaga.

Facebook Comments