DA at IRRI, magtutulungan para mapalakas ang produksyon ng palay

Lumagda ng 5-year Memorandum of Understanding ang Department of Agriculture (DA) and International Rice Research Institute (IRRI) para sa isang pagtutulungan para sa pagpapalakas ng produksyon ng palay.

Ang partnership ay tututok sa pagtukoy ng mga napapanatiling pamamaraan sa pagpaparami ng ani, sa pagpapabawas sa gastos sa produksyon.

Gayundin sa pagbawas sa pagkalugi pagkatapos ng ani at sa pagpapabuti ng kahusayan sa marketing at sa pagdaragdag ng halaga.


Tiniyak naman ng DA at IRRI na ang paglilipat ng mga genetic na materyales sa pananaliksik at mga biological materials ay gagabayan ng umiiral na mga alituntunin ng intellectual property na binuo.

Facebook Comments