Sinelyuhan nina Acting Agriculture Secretary William Dar at Landbank President at CEO Cecilia Borromeo ang isang collaborative strategy para higit pang maserbisyuhan ang mga magsasaka at mangingisda sa bansa.
Nauna nang inilatag ni Dar ang walong hakbang na magpapalakas sa kakayahang pangkabuhayan ng naturang mga sektor.
Kabilang sa istratehiyang ito ay ang: modernization at industrialization ng agriculture; promotion ng exports; farm consolidation; roadmap development; infrastructure development; mataas na budget at investments sa agrikultura.
Malaki ang maitutulong ng financial capability at extensive network ng Landbank para maabot ang pinakamaliit na mga magsasaka at mangingisda sa mga kanayunan.
Target ng Landbank na itaas ng 15 percent ang pautang nito sa Agriculture sector o katumbas ng P350 billion pagsapit ng 2022.
Plano rin nito na maitaas sa 1 million ang bilang ng mga magsasaka na maasistihan sa pagtatapos ng 2019, at 3 million naman sa 2022.