DA at Landbank, makikipagpulong sa mga LGU para malaman ang iba pang problema ng mga magsasaka

Makikipagpulong ang Department of Agriculture at Landbank of the Philippines sa mga lokal na pamahalaan sa Central Luzon para matugunan ang iba pang problema ng mga magsasaka.

Sa press conference na isinagawa matapos ilunsad ang Expanded Survival and Recovery Assistance Program o SURE Aid Program, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na nais niyang malaman ang iba pang hinaing ng mga magsasaka partikular ang reklamo sa mababang halaga ng pagbili ng mga palay ng mga rice millers.

Ayon naman kay Landbank President at CEO Ms. Cecilia Borromeo, gumagawa na sila ng paraan kung saan naghahanap na rin sila ng pondo para maipahiram sa mga magsasaka na nalulugi.


Handa rin daw ang Landbank na makipag-partner sa mga programa ng pamahalaan para sa kapakanan ng mga magsasaka sa buong bansa.

Inihayag din ni Ginang Borromeo na inaprubahan na ng national government ang inilatag nilang three year action plan para sa mga magsasaka kaya’t asahan umaasa sila na sa mga darating na araw ay mababawasan na ang problema ng mga magsasaka.

Una nang ipinatupad ng DA ang Accelerated Roll Over System na isa sa mga hakbang para matugunan ang pagbaba ng presyo ng palay at bigas at sa ilalim ng sistema ay magpapatuloy ang National Food Authority sa pagbili, paggiling at pagbenta ng bigas kasama na ang pagtiyak na mayroong 30-day buffer stock.

Facebook Comments